Kung Paanong Pinaghiwalay ng Laro kaming Magpipinsan (UP Diliman, 2002)
(Naging bahagi ang sanaysay na ito ng rekisitong gawain ko sa klase ng Humanidades 1 sa UP Diliman noong unang semestre 2002-2003, sa patnubay ni Prop. Eugene Evasco, na isa sa naging mabuti kong kaibigan sa UP. Sinasalamin ng sanaysay na ito na sa kahit mumunting aspeto ng buhay-pagkabata, nauungkat ang malalalim na usapin ng kasarian, sekswalidad at pagtanggap. Isa ito sa mga paborito kong sanaysay na naisulat.)
Naturingan akong iyakin, matatakutin, duwag, lampa, walang pakisama, in short, bakla. Paano ba naman, may mga laro pala na panlalaki at pambabae. At siyempre, kung ano ang kasarian mo, kung ano ang meron diyan sa singit mo, doon nakabase ang mga klase ng laro para sa iyo.
Wala ako ng katulad ng ibang babae, pero hilig ko ang paglalaro kasama sila. Masaya na ako lutu-lutuan, bahay-bahayan, nanay-nanayan at titser-titseran. Doon ko nakikita ang sense of fulfillment na hindi ko nakikita sa ibang laro. Kung may kasama naman kaming mga lalake sa aming paglalaro, masasabi kong alienated siya.
Pero masaya naman ang lahat. Ewan ko na lang kung bakit di ako naliligayahan kapag pulos lalaki ang kalaro ko. Palibhasa'y brutal at nauuwi sa sakitan ang paglalaro nila.
Natatakot akong masaktan.
Sa aming magpipinsan, kaming dalawa ng kapatid ko ang itinuturing na walang kuwenta. Bakla kami ng kapatid ko kung kaya madalas kaming tampulan ng tukso, lalo na kapag may okasyon sa aming magpipinsan. Habang ang mga magulang namin ay abala sa kanilang pag-iinuman at paglalasingan, kaming mga anak ay di magkamayaw sa mga larong maaari naming laruin....mapa-sipa, teks, basketbol o boksing.
Para sa kanila, iyon lamang daw ang laro ng isang lalaki.
Eh paano iyon kung ayaw ko? Wala akong magagawa. Kung kaya't tumatakas ako pag ganito na ang nilalaro ng mga pinsan ko. Minsan nga itinuro ako para makipag-boksing sa isa ko pang pinsan, sinabi ko na gusto kong jumebs dahil sa dami ng kinain ko. Ang totoo talaga, pumunta ako sa tatay ko, humingi ng pera at umuwi na sa sobrang takot.
Hindi na ako isinasama ng tatay ko kapag muli siyang inaanyahahan sa mga ganitong okasyon. Nakakahiya daw kami dahil takot kaming makipag-suntukan. Kahit ang paliwanag namin ay hindi naman talaga dapat pinupuwersa ang isang tao na piliin lamang ang larong naaayon sa kanya, patuloy pa din ang tatay ko sa pagsasabing iyon lamang ang larong panlalaki, at wala nang iba.
Natuwa na rin ako. Sa wakas, di ko na sila makikita pa. At hindi na nila ako hahamunin pa ng suntukan. Mas lalo't higit, hindi na nila ako sasaktan. Byuti pa din ang face ko, sey mo?
Pero bata pa ako noon. Matagal ko na silang hindi nakikita. Mga ilang taon din akong wala akong balita sa kanila. Nagugulat na lang ako sa mga sinasabi ng tatay ko na ang isang pinsan ko ay nasa ibang bansa na; ang isa'y mayaman na sa aming probinsya; yung isa'y graduate na sa PMA; at ang isa kong pinsan ay iskolar na din pala sa UPLB.
Nalulungkot din ako. Nalulungkot dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala sila nang lubusan. Ang alam ko lang ay lumaki silang matitipuno, matatalino at guwapo. Sana man lang ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sila sa inuman at sa pagsasaya. Sana napatunayan ko na maaari nila akong maging isang kaibigan kahit isa akong bakla.
Napagtanto ko na ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit ako napalayo sa aking mga pinsan. Marahil kung nakiayon ako sa kanila, maaaring iba na ang mararamdaman ko ngayon. Pero marahil kung nakiayon din ako sa kanila, hindi ako magiging masaya.
Alam nila na bakla ako, at kailanman ay hindi ko sila mayayayang maglaro ng suntukan. Magkagayunman, na-eeksayt ako sa aming muling pagkikita. At iniiisip ko na kung ano ang sasabihin nila sa pagkikitang iyon. Tiyak na hahamunin na naman nila ako ng suntukan at basketbol.
Pinaghahandaan ko na iyon.

Comments